|
|
 |
 |
Thursday, December 08, 2005
To all my Block mates and special mentions: sana pagtiyagaan nyo basahin..
Schools almost done, and i know, it would be a start of a new world. Meron magkakahiwahiwalay literally, meron pa din namang magkakasama.. I know na nothing would change kahit na me deblock na tayong lhat.
Sa mga nakalipas na buwan, marami nang naganap, maraming pagbabago at maraming mga pangyayari na hindi inaasahan.
Alam ko marami ng nangyari sa buhay ko ngaun sa DLSU. Marami na rin akong mga bagay na nagawa, nasabi at nabitawan. At siguro dun sa mga nagawa, nasabi at napagdesishonan ko, meron akong mga taong sa di inaasahan ay nasagasaan at nasaktan. Gusto ko sana kunin tong pagkakataon na to para makahinge ng pasensha at patawad sa mga pangyayari.
"NAGSIMULA AKO NG MAGANDA AT MASAYA sa LR19 at sana rin, MATAPOS AT MAGING MASAYA PARIN AKO SA PAGHIHIWALAY NITO"
Marahil mashado akong tanga at ignorante sa mga nangyayari sa buhay ko sa skool. AT hindi ko itinatanggi na sa mga nakalipas na buwan ay lumungkot na nang lumungkot ang buhay ko sa pamilyang to. Noon marahil ay nagtatanong ako, kung bakit unti unting nawawala ang mga taong dati kong kasama at kaibigan. Nagtatanong kung ano kaya ang problema at nagtatanong kung ano kaya ang aking nagawa. MARAHIL, TANGA nga ako kung lulubusin, hanggang ngaun di ko alam kung bkit ito nangyari. PERO NGAYON naintindihan ko na cguro nga ay ako ang me problema, ako ang me kasalanan kung bakit lahat ng mga nakakalapit ko ay lumalayo sa akin. Gusto kong isipin na ok lang ang lahat. pero sa kabilang banda, di rin ok.
Di ko tinype tong huling blog na to para magpaawa at magpadrama sa mga babasa. Gusto ko lang ipahayag ang saloobin ko sa kahuli hulihang pagkakataon.
Tutal, huling salita na naman to gusto ko na isa isahin kayong lahat.
Unang- una sayo Toni, alam ko malaki na ang gap. At alam ko din na marahil galit na galit o inis na inis ka sa akin. Di kita masisi kung yun tlaga naramdaman mo. Gusto kong malaman mo na nanghinayang ako sa samahan natin bilang magkaibigan. Katulad nga ng tinext mo dati, kung natatandaan mo pa ung quote tungkol sa "Strangers which became friends that became strangers in the end" na me ending na " I hope it wont happen to us" ngunit sa kasamaang palad, un nga ang nangyari satin. Marami akong tanong nun, tangang tanga ako kung bkit naging ganun ung kinahantungan ng lahat. Tanong ako ng tanong kung ano mali kong ginawa. Pero natuto akong tanggapin na lang na talagang ganun. Napag isip isip ko, ako ang me kasalanan Ang naging kasalanan ko ay nagustuhan kita, bilang higit pa sa kaibigan. At dun sa pagkagusto kong yon, nakalimutan ko na hindi ka pala akin, at hindi ko napansin na nagiging gago ako sa gustong pag angkin sayo. ALam ko mali ako, alam ko dahil sa pangyayaring yon, marahil hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan muli. Alam mo, di na ko umaasa pa sa kahit ano pa man, gusto ko lang masabi sayo ang mga bagay na di ko masabi ng harapan. Matagal na rin tayong di nagkakaharat at alam ko na malabo tayong magusap. Gusto ko lang sabihin ung mga nararamdaman ko. Di na rin ako umaasa na magkakabati pa tayo o ano pa man, gusto ko lang lumuwag ung puso ko sa mga bagay na matagal ng nakatanim. Na tipong pag nagkaharap tayo balang araw, MATITITIGAN KITA NG DIRECHO SA MATA nang hindi naiilang. Gusto kita pasalamatan sa lahat ng magagandang alaala na shinare mo sakin, sa pagiging kaibigan kahit sa saglit na panahon, sa pagiging inspirasyon na pansamantala, at sa pagtuturo sa sakin ng realidad sa buhay. Salamat sa lahat lahat, pasensha na lang at hindi ako naging karapatdapat na maging kaibigan mo. Nanghihinayang man ako, nagkamali na ako. Pero hanggang sa huli, maalala pa din kita at dun sa maikling pagiging magkakaibigan akoy nagpapasalamat.
AYOKO SANA MAPAHIYA:
Sunod ay kena CUYEG, ALE, LAU, JAJA at sa dati kong kasama sa grupo. ulit, lalo na sayo Cuyeg, tol, ikaw ang madalas ko nakasama noon, kayo nina Ale, Lau. Nung tayo pa lang nina Steph at Toni. Sa uulitin, hindi ko na naman alam kung bkit nagkaron tayo ng gap. Hanggang ngaun Tanga pa din ako. Marahil cguro, nakita mo na di ako worth it maging kaibigan mo. I mean, cguro dahil sa meron akong mga nasabing hindi mo nagustuhan at dahil sa aking pagsasalita dahil dun. Maaring ang mga dating sayo ng mga nasabi ko ay masakit at di maganda, pero tol pasensha na nadala lang ako pagkakataon. Siguro nakadating sayo ung ikaw ung ginawa kong example sa kung bakit pumasa sa Crithin samanatalang ako hindi. Gusto ko huminge ng tawad kung tingin mo nabackstab kita. Alam ko mali un, pero hindi un ang literal kong ibig sabihin. Maaring hindi rin ako mahusay makisama sa inyo, maari rin na ang dating ko sanyo ay User o akoy walang kwentang pakisamahan. Pare, ikaw ang naging kadikit ko nun. Lam ko meron akong mga nagawa cguro at nasabi. Sana d yun ung naging ending ng samahan natin. Kena ALE, LAU, JAJA at sa mga nakakasama ko dati, marami cguro akong maling desisyon na nagawa. Maraming bagay na di pinahalagahan at inisip. Nauubusan na ko ng salita na sasabihin. DI ko na maisip pa kung ano. Gusto ko lang huminge ng "SORRY" sa inyong lahat sa mga maaring mali kong nagawa sa inyo. Di ko na tatanungin at iisaisahin kung ano cguro ang mga palpak ko, pero pasensha na at di ako naging tunay na kaibigan sa inyo. Di ako umaasang bumalik ang lahat sa dati pero sana, pag nagkitakita ulit, nakataas noo akong babati sa inyong lahat. salamat sa pakikisamang maganda, sa LRT, tawanan at iba pa. MAARING TINGIN NYO madrama ako, pero GANUN LANG TALAGA, SANA MAINTINDHAN NYO. AYOKO kc umalis ng LR19 ng me masamang feelings.
Sunod ay sa mga taong hindi ako nagustuhan at me naka samaan ng loob - cguro meron akong mga bagay na ginagagwa na indi nyo nagustuhan, meron mga bagay na kinaiinisan nyo sakin. Pasensha na kung di ako magaling makisama at di ako ang tipong block mate na maasahan. Ang masasabi ko lang eh "Sorry" din. sisikapin ko mabago ang lahat para sa ikabubuti.
Sa mga nakalipas na buwan marami akong nalaman, natutunan at sakit na naramdaman at dahil dito sa tingin ko ay mas magiging "mabuti, matalinong tao" sa hinaharap. Salamat at nagpakatotoo kayo sa akin at hindi pinlastic. Di ako nagdaramdam sa mga kinahinatnan ng mga bagay na nangyari sa block at sa akin. At least, pag dating ng panahon, mas matututo akong gawin ang tama.
Salamat naman dun sa mga taong nahanap ko at nagkeep company sakin sa nakalipas na buwan. Salamat sa masayang pakikisama. Kilala nyo cguro kung sino kayo.....
BLOCKMATES, Salamat sa inyong lahat sa pagbigay sa kin ng opportunity na makilala at makasama kayo sa maikling sandali. Salamat sa magandang pakkisama ninyo sa akin. Sa pagtitiyaga sa akin at sa pagiging totoo nyo sa akin. Sa mga tawanan, hiritan, usapan. kahit hindi naging ok ang lahat salamat sa panahon.
TONI,STEPH,CUYEG, ALE,LAU,D, JAJA,SARA,JILL,LES,JASON,SUDOY,TRACY,KIM, SARS, LYNNE,ICKA, KEVIN,JINO,MARCIA,MARY,DHI,LOUI,JOY,JOM,DEN,BABA, IRA,JOHN,JES,MARTIN,KIZIA,JANA,CLARENCE,NIKO, NICO,HUEY,CARESSE, DIAN na sa tingin ko ay nasamaan ko din nang loob,JACKIE at kung meron man akong di nabanggit.
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. SALAMAT AT NAGING BAHAGI AKO NG LR19 na meron mga taong katulad nyo. LAhat kayo, kahit sa maliit na paraan ay nakaapekto sa kung ano man ako ngaun. AT sa mga natutunan ko sa inyong lahat, alam ko na marami akong mababago sa aking sarile at sa hinaharap ay mas mabuti at maige akong tao dahil sa inyo. This is not a goodbye, but probably a start for all of us guys. I hope we cross paths again. Salamat sa magandang samahan. Hanggang sa muli nating pagkikita. sana ay kabahagi pa rin ako ng ating pamilya.. ang LR19.
Posted at Thursday, December 08, 2005 by IcecoldJosian
Permalink
Tuesday, November 22, 2005
Isang araw na naman na nakalipas..
Ngayong araw, mejo kakaiba ang mga pangyayari.. una, sa aking paggising. nakita ng mama ko na ako ay hirap na hirap gumising. Tapos bigla nya akong tinawag. Diko alam kung bkit, kala ko nga papagalitan na ako eh. habang pababa binuksan nya ang pintuan sa aming grahe.. tas tinawag nya ulit ako.. sa aking pagkagulat.. narinig ko na sinabi nya "Ian, halika mag exercise tayo para magising ka". At ako naman kahit na pupungaspungas ay sumunod naman.. kasabay ng aming pag eehersisyo.. ako'y napagsabihan na naman.. dapat daw ay lagi kong ugaliin mag exercise para ako'y sumigla at di tatamadtamad, so ayun, nasabihan pa ko na di na nababanat ang buto.. wahahah ok lang kaya sha? pagod na nga ako sobra kaya di na ko makaexercise.. banat na banat na buto ko. Pero lahat ay sinunod ko.. In fairness, mama ko pa ang nagbilang at naglead ng exercise.. Ginagaya nya pa yung "RAISO TAISO number one" na type ng exercise na kanilang ginagamit sa opisina.. Napa inat tuloy ako ng wala sa oras.. pero natuwa ako na for the first time, ako ay niyaya nya.. kc bihira lang sha magexercise eh. Pag tapos nun. ayun, mejo nahimasmasan na ko at naghanda sa pagpasok.
Sa skul naman, as usual lab day ulit, pero ngaun wala lang ung teacher namin, pero ok naman ung kinalabasan ng experiment, madali naman namin natapos. Then after nun, niyaya ako ng iba kong kaklase na si D at Sars na sumama sa kanila sa Yellow Cab dahil manlilibre daw c D, shempre libre nang food di pa ko sasama. so in short dahil libre, sumama ako. (joke lang naman, kahit naman cguro di libre ay sasama din ako). At yun naka libre nga ako ng Lunch, salamat kay D. sa uulitin ha :). haha^^ tapos nun nagkaron ng parang hot seat at tungkol sa akin ang naging issue. Ang issue tungkol sa mga dati kong mga kaclose sa block na ngaun ay tila wla na. At ayun mejo nagkasentihan ng konti at mejo sumagot sagot sa tanong. At dun, nasabi ko na nakakamiss din yung mga dati kong kasama, nakakamiss din yung mga panahon.. pero tinapos ko na lang ang usapan namin at sinabing "Ganyan lang talaga ang buhay", "sometimes you just dont need to ask why things happen, you just have to accept it as it is" diba? totoo naman diba? me mga bagay na nangyayari na di mo na kelangan pa alamin kung ano talaga ang rason at nangyari..
Tas ayun na.. nagsimula na ko magalboroto sa INTphil paper namin... shempre, naging resourceful na naman ako sa resources ng kaklase ko! (joke) pinagnilayan ko maige.. Mejo natagalan ako bago matapos pero nadalian naman ako.
Well ngaun, masaya parin ako dahil mejo optimistic na ulit ang outlook ko.. mejo nararamdaman ko na kaya ko na ulit.. kaya ko na magaral ng matino. At alam ko na mamaya at bukas ay magiging masaya parin ako.. basta nabubuhay ako at kasama mga mahal ko, ok na ako dun! shempre me mga times na parang nakakalungkot, di ko alam kung bkit, cguro masaya din pag me iba kang kasama..^^ well, unsure ako, pero I know, mahahanap ko din ung iba pang mga tao na makakapagpakulay sa buhay ko lalo..
Cguro hanggang dito na muna. Uuwi na ko, baka gabihin pako ng todo.. sa uulitin..^^ hanggang sipagin muli..^^
Posted at Tuesday, November 22, 2005 by IcecoldJosian
Permalink
Monday, November 21, 2005
whew.. sayang ang araw ko..
Ang araw na to is super stressful. nakakbadtrip pa! dahil sa isang subject na pinagnilayan ko gawin.. di na ko nakapasok ng buong araw.. Grabe! halos mapraning ako sa kakahanap at kakabasa ng mga artikulo tungkol sa FLOOD na yan!. para lang malaman.. na ang aking di pag pasok ay wala ring naging magandang epekto!.. "CANCELADO na ang oral defense!"... whew.. di ko alam kung ano ang irereaksyon ko.. maiinis, matutuwa.. ang absent ko ay 5 na! 2 na lang tsugi ako dun sa KASPIL na un..
Kainis lang.. inabot ako ng alas siete ng umaga sa kakabasa at kakaplano sa kung ano ung isusulat ko sa letchen proposal na yan. Halos malusaw na utak ko sa kakaisap kung ano ang isusulat ko. Nabaliw na nga ata ako eh.. ACtually, pinilit kong pumasok.. ang plano ko is kahit ung KASPIL lang ung pasukan ko.. tutal un naman ung talgang pinaghandaan ko. Pero sa kasamaan palad, ako'y sobrang nahilo at nasabaw sa pinaggagawa ko. At ayun, nung nasa FX ako.. natrapik pa ko! tas sinamahan pa ng sobrang pagkahilo at pagkasabaw. Naisipan ko na bumalik na.. kasi P.E na lang ang maabutan ko.. DIBA? masama na nga pakiramdam ko tas mag P.P.E pa ko! tas shempre pag nagPE ako.. alas diyes na naman ako uuwi! tas chaka palang ako gagawa ng mga takda.. kaya minabuti ko na lang na magpahinga..
Sa kabilang banda, ok din na nacancela ang lintik na oral defense na yan! kasi mas mabibiyan namin ng sapat na panahon at basehan ang mga isusulat dun sa so called "paper" na kapalit nung oral defense.
Kaya lang.. di lang naman un ung inabot ko! shempre.. nalaman ng mama ko ang nangyari.. at shempre, ako ang pinagalitan. Napagalitan at nasermonan ako ng wala sa oras. Kumbaga na 3 in 1 ako. Ninenerbyos na ko dahil sa madami kong absence, nagwoworry ako sa namiss ko, nasabon pa ng wala sa oras diba? hayz.. kasi naman aaminin ko na.. mejo kulang ako sa self-discipline.. mejo mas napapagtuuanan ko ng pansin ang mga di dapat pinapansin!.. labo noh? hehe.. kasi naman.. mejo naadik ako sa kakalaro ng GUNBOUND. babaw nga eh.. kumbaga mejo nagiging bisho na ang paglalaro at nawawala sa tamang moderasyon!. Ampuchang mga laro yan! naimbento pa! hayz.. pero sa totoo lang.. ako rin me kasalanan.. me kasabihan nga "there is time for play,work,studies and responsibilities" pero mukang mas madami ung play eh.. nasesermonan na nga ako kasi baka daw puro laro na lang ang inaatupag ko.
Shempre eto na naman ako ngaun.. magcracram.. gagawa ng INTPHIL paper. at maghahabol para sa mga namiss ko at magiging kwiz sa biyernes sa ALGEb. Sana lang mas umayos ang sitwasyon ng lahat.. kasi sa totoo lang ako'y ninenerbyos talaga sa kalalabasan ng mga grades ko ngayong second term. Di nyo lang alam kung gano ako naprapraning ngaun.. baka dahil sa madami kong absent.. masibak pati grades ko! e ang motto ko pa naman ay "Di ako pumapasok para bumagsak!" kaya lang dahil sa kairesponsablehan, ayan, ayan ang napapala ko.. pero sana di pa mahuli ang lahat.. handang handa ako bumawi at ipakita na kaya ko pa! un nga lang. asa pa ko maging DL this term. Pero diba nga.. "there's always a next time" pero dapat ung next time.. hindi ipinag pa pa next! dapat ngaun na!.. so un.. ganun ang kinalabasan ng araw ko.. puno ng kapangitan at kanerbyosan pero pinipilit tanggalin..
hayz.. e2 ang nangyari sa akin ngayong araw! sana mas maging ok ang araw ko bukas ^^ :p
Posted at Monday, November 21, 2005 by IcecoldJosian
Permalink
Sunday, November 20, 2005
"Tao na ulit ako" - balik blog!
Since my first ever blog last june, i am back at last!. probably because i now had interest in expressing my thoughts and the things that has been happening to me.. Well, through the last few months many things have happened. And it seems so funny to think that i've been passing through my first year in college so fast, that i'm almost finishing my second term.
It seems difficult for me to rearrange the thoughts has been coming through my mind, yet there was something inside of me that tells me, "IAN, magblog ka na!". I admit i have difficulty expressing myself, not because i dont have anything to say, but it seems that i have difficulty in arranging what things i would like to say.. pero kahit ganun.. i would try na pagigihan at karirin ang pagbloblog dahil naniniwala ako na ito ay kapakipakinabang. (oh sure) ^^
Bilang panimula, masaya pa din ang college life ko. kahit na marami ng nangyari sa mga nakalipas na buwan, masasabi ko na ako'y masaya padin!. bagamat merong mga nawala, merong mga sakit na dinanas at meron mga pagsubok na dumating, naniniwala ako na lahat ito ay parte ng aking pagtanda. sa bawat mga nangyari nung nakalipas ay meron akong mga natutunan at pawang naunawaan. Sa nakalipas na mga buwan, madaming dumating, madaming nangyari ngunit madami ring nawala.. at bagamat mas marami ang nawala kesa sa dumating. Tinanggap ko ito ng walang tanong tanong.
Naniniwala ako, na lahat ng bagay na nangyayari ay me dahilan at rason. Me mga rason kung bakit merong nawawala at meron din dumadating. kaya dapat lagi lang tanggapin ang mga pagkakataon. Me kasabihan nga diba, "Ganyan lang talaga ang buhay" at sa ingles","thats they way life goes". THings just come and go, so no matter what happens must go and move on.
Subalit, datapwat minsan merong mga katanungan na naglalaro sa aking isipan. at nagtatanong. BKET? bket? bket? bakit me mga bagay sa buhay na sajang nawawala at bigla na lang nalalayo sa hindi malamang kadahilanan. Minsan tuloy nagiisip ako, ako ba ang me mali? ano kaya ang problema? ano ba ang nagawa ko? at minsan dumadating pa sa punto na mejo napaparanoid na ko at minsan naiisip na cguro ako nga ang me problema.
Mejo malaki ang naging pagbabago, ang dating masiglang ako, ay mejo tumamlay na. Mejo mas tumahimik at mapagisa. Ngunit dun ay di ako nagsisi. Bagamat nagmumuka akong suplado at sajang nagsosolo ako parin ay masaya. Masaya dahil halos lahat ng gusto ko ay aking nakakamit, lahat ng gusto ko gawin ay nagagawa ko ng walang hadlang. Masaya dahil kasama ko ang aking mama at lola na aking pamilya.
Kahit di aktibo ang aking so called "social life" malugod ko itong tinatanggap dahil katulad nga ng sabi sa akin ng mama ko "ang mga tunay na kaibigan ay talagang di madaling hanapin" meron kang makakasalamuha ngaun ngunit baka bukas ay hindi na. Mas maige pa na isa lang ang kaibigan basta ba isang kaibigan na totoo at makakapagdulot ng kabutihan at paglago sa aking pagkatao kesa sa madami nga pero di naman nakakatulong sa pagbuti ko. diba? kung iisipin mo at tatanungin, mas ok yun diba?
Ngayon, gusto ko muna ifocus ang attention ko sa studies. bagamat ngaung second term ay aminado na ako na hindi maganda ang grades ko at ako'y nabigo muli na magdean's list, sisikapin ko na sa susunod ay mas pagiibayuhin ko ang aking pagaaral. Gusto ko ituon lahat ng attention ko sa pag hubog ng aking mga posibleng talento. At sana sa lalong madaling panahon, makahanap ako ng isang tao na aking magiging kasparing o katuwang sa aking pagaaral at buhay. (tipong best bud).
Sa tingin ko, hanggang dito na lang muna ang umpisa ng aking pagbabalik. "o diba parang panday! "ANG PAGBABALIK" nyahahah.. corny pero ok lang.^^ hanggang sa uulitin na ako'y sipagin muli magtype.
P.S actually gagawa na ko ng para sa KASPIL namin.. :p
Posted at Sunday, November 20, 2005 by IcecoldJosian
Permalink
Wednesday, June 08, 2005
to start off... first tym ko.. funny to think na sa tinagaltagal ng pagsusurf ko eh ngaun lang ko nagsulat.. ok pla xa.. u get to xpress urself ng walang pressure.. impromptu ba. Wud lyk to start with my present stay sa college. Nung una. i thought mejo mahihirapan ko sa college.. kc kung idescribe nung iba.. ibang iba daw talga. pero so far, naeenjoy ko naman xa. infact parang mas ok panga ngaun eh.. cguro ill give d credit to my newly found friends-blockm8s particularly, TONI, STEPH, NATHAN,ALE,D.. so far, they make each days as nice as possible.. xempre kau ba naman ung lageng magkakasama.. feel ko nga as if w're barkadas for a long time na.. parang everyday di nauubusan ng masasayang experiences at mga kwentuhan.. i feel comfortable with those guys talga.. parang lahat pwede mo sabhin sa knila. syempre ung class din namin.. Ok na ok.. bukod sa kami lang ang mahirit.. dami pang matitinong classm8s. me mga celebrities pa nga eh... parang c Nathan ( Joseph Bitangcol ) , Louie ( Sandy ),.. halo halo.. meron din mga baliw kay Japs ( weee antonia jelly..) meron ding isang hyper na di mo malaman ang gender.. meron maganda, matalino, feeling, TH ( BMs - kilala nyo na un), inglisera, intsikera. kumpleto talga.. saya.. sobra.. enjoy... third week palang pero parang ilang taon na kaming magkakasama.. though merong respective groups.. ok parin... meron na ring mga intriga.. prang showbiz nga eh.. meron ng nagkakadevelopan.. me frends lang daw "LOL".. meron din in denial.. haay kakatuwa tlga.. meron mga alaskador (prang ako) na solid kung tumira.. well as i enjoy the privilege of studying in a nice skool, i also had the chance to meet some nice people na nagpapakulay ng buong araw mo.. well, cguro hanggng d2 muna.. hope dat dis is the start of a new lyf na filled with unforgettable and happy exprnces.. :) LOLZ PEACE OUT!
Posted at Wednesday, June 08, 2005 by IcecoldJosian
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|